Pagtulong sa Kapwa 2.0

Pagtulong sa Kapwa 2.0

Habang nakakaha ako napapansin ko ang ilang mga batang lalake na magkakasama at marami ang kanilang pinamimili. Napaisip ako kung saan galing ang perang kanilang ipambibili dahil halos gamit-eskwela ang kanilang binibili.
Ang sabi niya sa akin ay galing daw po ito sa kanyang papa na isang seaman at gusto niya lang daw po talaga na bumili sa Pandayan para ibigay sa kanyang mga kaklase. Masaya raw siya na nakakapagbigay sa kanyang mga kaklase at ito lamang ang kanyang paraan para makatulong sa iba. Sa sobrang pagkamangha ko ay napasabi na lamang po ako na sana ay tularan siya ng ibang bata at sana ay maraming gantimpala pa ang dumating sa kanya.
Sa aking araw-araw na pagpasok sa trabaho ay napakarami kong natututunan sa iba at ibang tao na aking nakakasalamuha maging aral man ito o leksyon. Sa mga halimbawa na ito mas nauunawan ko na mas lamang ang pagtulong sa kapwa, at anuman ang magandang naitulong natin sa kapwa ay may maganda resulta na darating sa atin pagdating ng panahon.